OMG, kaka-receive ko lang nito at hindi ako mapakali kasi sobrang benta sakin. hehe.
Hindi na nag-eenglish si Inday!
-----
Amo:
Mula ngayon, walang magsasalita ng Ingles. Ang sinumang magpadugo ng ilong ko at ng mga anak ko, palalayasin sa pamamahay na'to! Maliwanag ba?
Inday:
Ang mga namutawi sa inyong mga labi ay mataman ko pong iiimbak sa sulok ng aking balintataw, sa kaibuturan ng aking puso, gugunamgunamin, aariing salik ng aba at payak kong kabatiran. Tatalikdan ang matayog at palalong banyagang wika, manapay kakalingain, bibigkasin at sakdal timyas na sasambitin ng aking sangkalooban.
-----
O diba, di na siya nag-Eenglish, pero nosebleed pa rin!
0 comments:
Post a Comment