About The Author

LANCE 1028

A someone from somewhere doing something to be a somebody someday.

Get The Latest News

Sign up to receive latest news

Thursday, October 02, 2008

Push-Pull Depression. A Prelude to Graduation

I'm feeling as though I'm in between feelings much like a push-pull amplifier's behavior.

Hindi sinasadya tong nararamdaman ko. Sa katunayan nga, masaya talaga ako. Sa darating na Sabado gaganapin ang graduation. Sa wakas, matapos ang mahigit limang taong pagpupuyat at pagsusunog ng kilay (ok, that would be too much, I'm not exactly a die hard student), ako ay makakapagtapos na ng kolehiyo. Mairaraos ko na ang aking pamilya sa kahirapan, maaari ko nang abutin ang aking mga pangarap (again, this is too much, haha. masyadong madrama).

Subalit, sa kabila ng ligayang dulot ng aking nalalapit na pagtatapos, tila ba may mga damdaming di ko maipaliwanag na siyang nagdudulot sa akin ng kalungkutang nakakubli sa aking mga ngiti at halakhak.

Matatapos na ang yugtong ito ng aking buhay, buhay na halos dalawang dekada ko ring kinagisnan. Nasanay na ako sa pagiging isang mag-aaral at kahit na masasabi kong medyo sawa na ako sa buhay na ito, hindi pa rin maiaalis sa akin na mangulila dito. Sa aking pagtatapos, isang panibagong mundo ang sa akin ay haharap at ako ay hinihikayat na makipagsapalaran upang abutin ko ang mga pangarap at ang inaasam asam na tagumpay na maraming taon ko ring binuo sa aking isipan.

Isang malaking bahagi ng aking pagkatao ang nabuo o binuo nang ako ay pumasok sa kolehiyo. At sa limang taong pamamalagi ko sa pamantasang ito, di na mabilang ang mga taong nakilala ko, at ang mga karanasa't panahong "I shared with them" (di ko lang alam kung paano ang magandang translation nito, haha). Ang lahat ng ito'y nagbigay sa akin ng mga bagong kaalaman na siyang tumutulak sakin upang makinig, mag-isip at magsalita, mga bagong pananaw na gumagabay sa akin tungo sa aking paroroonan at mga bagong paninindigan na aking ipaglalaban sa kabila ng matinding kagipitan.

Ang mga alaalang iniwan sa akin ng pagiging isang mag-aaral ay mananatili sa akin habambuhay (unless of course magka-amnesia ako. I hope not) kaya naman ganun na lang ang lungkot ko sapagkat sa darating na Sabado tutuldukan ang mga alaalang iyon. At lahat ng iyon ay mananatili na lamang isang alaala habambuhay. Di na mauulit, di na magpapatuloy.

Umaasa ako na sa darating na mga araw, mawawala rin ang kalungkutan ko, maglalaho rin ang pangungulila ko but a part of me wanted all of these to last just so I could cherish every moment of it (again di ko alam ang magandang translation nito, I just can't think straight tonight). Mushy stuff. Mushy stuff. (Put all other mushiness here).

A part of me want things to stay where they are because it's safe and I'm happy but then a part of me want things to move forward just so I could move on and progress and say "I'm done with this!" (my way of saying I quit without really quitting, just finishing what I started and accomplishing things. haha). Hence the title.

Push-Pull Depression. Ito ang panahong nag-aagaw ang ligaya't lungkot, panahon kung saan ang mga magkakasalungat na mga damdami'y naghahalo at nagiging isa. Ito ang aking nararamdan. Ito ang panahon. Ito ang Prelude to Graduation

0 comments:

Post a Comment